CRASH | Halos 200 pasahero ng isang Lion flight na bumagsak, pinangangambahang patay na

842

Pinangangambahang patay na lahat ang 189 na taong sakay ng isang Indonesian airline na bumagsak sa dagat.

Nagtake-off ang Lion Air flight JT610 patungo sana ng Pangkal Pinang nang tumawag ang piloto nito sa tower na humihingi ng permiso na bumalik sa runway sa Jakarta Airport.


Inaprubahan ang hiling ng piloto ng Lion Air pero nawala ang contact sa eroplano matapos ang 13 minuto.

Ayon kay Yusuf Latief, spokesperson ng National Search and Rescue Agency, wala nang buhay ang mga narerekober sila kaya mataas ang posibilidad na walang nakaligtas sa aksidente.

Bago ito, naiulat nang nagkaroon ng technical problem ang eroplano sa flight nito mula Bali patungong Jakarta pero naayos naman ito.

Facebook Comments

From Advertisers