TULONG | Pagbuo ng ‘Duterte death squad’ vs NPA, suportado ng AFP

Manila, Philippines – Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbuo ng armadong grupo na lalaban sa sparrow units ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez, ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng ‘Duterte Death Squad’ na makatutulong na palakasin ang anti-insurgency campaign ng gobyerno.

Mahalaga aniya na may pangtapat ang gobyerno sa pwersa ng NPA.


Sa impormasyon ng AFP, aktibo ang assassination squad ng NPA sa Bicol at ilang bahagi ng Samar at Negros, maging sa Eastern at Western Mindanao.

Facebook Comments