Nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang isinasagawang pamamahagi ng relief goods sa mga residente sa Dagupan City na lubos naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Sa kasalukuyan, pinakahuling napamahagian ng mga packs mula sa DSWD at LGU Dagupan ang mga residente sa barangay ng Pantal, Carael, Herrero-Perez, Tambac, Pogo Grande, Lasip Chico, Lasip Grande, Bacayao Norte, Bacayao Sur, at Calmay.
Matatandaan na nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela at Sen. Win Gatchalian ng 400 na sako ng bigas para sa Dagupan City.
Samantala, kasabay pa ng pamamahagi ng relief packs ay ang patuloy na pag-arangkada ng isinusulong Zero Hunger o ang programang may layong mawakasan ng kagutuman at malnutrisyon sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments