Tulong para sa mga Dating Rebelde, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang bumubuhos ng mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensya para sa mga dating rebelde na nasa pangangalaga ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Personal na dumulog sa himpilan ng 95th IB ang ahensya ng Provincial Cooperative Development Office- Isabela sa pangunguna ni Ms. Lilia C Castillo PCDO Officer ng nasabing ahensya.

Inilapit ng opisyal ang kanilang programang Isabela Initiative to Support Enterprise (I-RISE) na nakatuon sa mga grupo o organisasyon para sa pagsasaayos ng kanilang kooperatiba na kung saan ang Salaknib Former Rebels Integrated Association (SARIFA) ay isa sa kanilang gustong matulungan.


Dito ay may mga nakahandang programa para sa mga dating rebelde na layong matulungang umangat at mapalago ang kanilang negosyo at mapagtibay ang kanilang asosasyon.

Labis namang nagpapasalamat si LTC Lemuel Baduya, pinuno ng 95th IB sa tulong na ibinigay ng nasabing ahensya na lalong makakabuti para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments