MANILA – Tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong at rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyong Nina sa Catanduanes.Sa talumpati ng pangulo sa kapitolyo, pagbalik sa maynila ay dere-deretso na ang kanilang trabaho para sa mga naapektuhan ng bagyo.Hindi na pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagpapamahagi ng relief goods dahil hindi naman ito galing sa kanya kundi sa pera ng bayan.Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – target nila na maibalik agad ang suplay ng kuryente sa Catanduanes lalo’t sa mahigit 200 poste ang pinatumba ng malakas na hangin.Sa huling tala ng PDRRMC, nasa mahigit 17,000 na pamilya ang apektado ang bagyo sa nasabing probinsya.
Facebook Comments