Mga Iresponsableng Magpapaputok Ng Baril Sa Pagsalubong Ng Bagong Taon, Pinatotokhang Ng Pnp Chief

21

MANILA – Pinatotokhang na rin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga pagsususpetsahang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.Nilinaw naman ni Dela Rosa – hindi trespassing ang gagawin ng mga pulis sakaling pumasok sa bahay.Sa ilalim ng doctrine of hot pursuit, pwedeng arestuhin ang suspek sa isang krimeng katatapos lang o ginaganap pa.Dagdag pa ni Dela Rosa – otomatikong masisibak ang chief of police o station commander kapag may nasawi sa isang lugar dahil sa walang habas na pamamaril.Ito’y kapag hindi nahuli ang suspek sa loob ng 24-oras.Kapag dalawang station commander o chief of police ang masisibak, otomatikong sibak din ang district director o provincial director.Kapag dalawang district o provincial director ang masisibak, otomatikong tanggal ang regional director.

Facebook Comments