Tulong para sa mga sinalanta ni bagyong Ramon sa Cagayan, sapat pa ayon sa DSWD

Nasa P 3.5 Milyon Standby Funds pa ang pondo ng DSWD na inilaan  sa mga lugar na pinerwisyo ni Bagyong Ramon sa Cagayan.

Ayon sa DSWD sa Region 2, bukod na Standby Funds, mayroon pang P18 .6 Million na halaga ng food at non-food items   na ipamamahagi sa mga Evacuees.

Sa ngayon, may 81 families o kabuuang 262 katao ang apektado ng bagyo at nasa mga Evacuation Centers.


Ang mga evacuees ay mula sa 5 barangay ng munisipalidad ng Gattaran at Sta. Praxedes sa  Lalawigan ng Cagayan.

Base sa Forecast ng PAGASA as of 5 am kanina ang mata ni Bagyong Ramon ay namataan kaninang alas 4 ng umaga sa layong 120 Km ng Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.

Gumagalaw ito pa kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 KPH.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin ng hanggang 120 KPH malapit sa gitna at bugso ng hanggang 150 KPH.

Facebook Comments