Tulong para sa pamilya ng mga nasawing sundalo ng bumagsak na Huey helicopter, pinatitiyak ni PBBM

Nagpaabot ng pakikiramay at pagpupugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anim na miyembro ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi matapos bumagsak ang isang Huey helicopter sa Agusan del Sur, nitong Novembre 4.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Usec. Claire Castro, agad na naiparating sa Pangulo ang insidente.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PAF na tiyaking maibigay ang lahat ng tulong at benepisyo sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Sa pahayag ng Department of National Defense (DND), ipinaabot din nila ang taos-pusong pakikiramay at paghanga sa kabayanihan ng mga piloto at crew na nagsasagawa ng relief mission para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino.

Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi malilimutan ang sakripisyo at dedikasyon ng mga bumubuo ng rescue team.

Facebook Comments