Tulong pinansiyal na ibibigay sa Afghanistan, ipinangako ng Pilipinas

Ipinangako ng Pilipinas ang tulong-pinansiyal na ibibigay sa Afghanistan kasabay ng kinakarap na kris ng bansa.

Ayon sa Philippine Mission sa Geneva, tugon ito sa apela ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA).

Wala pa namang tugon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung magkano ang halagang itutulong ng Pilipinas sa nasabing bansa.


Maliban sa bansa, ilan donors na rin ang nangakong magbibigay ng 11 bilyong dolyar sa Afghanistan upang matugunan ang kahirapan at gutom sa bansa matapos ang pagsakop ng Taliban forces.

Facebook Comments