Tulong pinansyal at benepisyo sa pamilya ng ‘SAF 44’, buong naibigay na

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naibigay na ang kabuuan ng tulong pinansyal at mga benepisyo sa pamilya ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na namatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang naging sagot ni PNP spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac matapos sabihin ng ina ng isa sa mga nasawing pulis na kulang pa ang kanilang natanggap na tulong pinansyal.

Sinabi naman ni Banac na bukas ang PNP sa anumang hinaing ng mga kaanak ng SAF troopers at kung mayroon pang kailangan matanggap ay handa silang tumulong at hindi nila papabayaan ang pamilya ng SAF 44.


Bukod dito, tiniyak din ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi nalilimutan ang kabayanihan ng SAF 44 at patuloy ang pagsisikap nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito.

Matatandaang, taong 2015 nang masawi ang 44 na SAF commandos sa kanilang operasyon na tinaguriang Oplan Exodus laban sa Malaysian terrorist at bomb maker na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan.

Facebook Comments