Tulong pinansyal na matatanggap sa ilalim ng SAP, hindi pwede paghatian ng 2 pamilya

Binigyang diin ng Department of Interior & Local Government (DILG) na hindi maaaring hatiin o paghatian ng dalawang pamilya ang ₱5,000 hanggang ₱8,000 tulong pinansyal na ipinamamahagi sa mga low income families sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DILG USec. Jonathan Malaya, nakatanggap sila ng report na ilang pamilya kasi ang pinaghahatian ang nasabing tulong pinansyal dahil hindi lahat ay nabibigyan ng Social Amelioration form dahilan para hindi sila maayudahan.

Paliwanag ni Malaya kailangang ilista ng mga local government officials ang mga hindi nakatanggap ng tulong pinansyal at kanila itong iapela sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng grievance committee.


Matatandaang una nang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na hahanapan niya ng pondo ang mga hindi napagkalooban ng cash aid.

Nakiusap din ito sa mga Local Government Units (LGUs) na gawing prayoridad ang pagbibigay ng food packs sa mga hindi nabigyan ng tulong pinansyal.

Facebook Comments