Tulong pinansyal ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, naiabot na sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro

Inihayag ni Muntinlupa City Councilor Paty Katy Boncayao na kanila nang naiabot ang tulong pinansyal sa bayan ng Gloria, lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Boncayao, personal nilang inabot ni Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management Chief Erwin Alfonso ang P500,000 na tulong kay Oriental Mindoro Mayor German Rodegerio.

Aniya, layunin ng naturang financial assistance na matulungan ang naturang bayan para sa kanilang muling pagbangon matapos mapinsala ng mga nagdaang bagyo.


Sinabi rin Boncayao na nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Rodegerio kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa tulong pinansayal para sa kanilang bayan.

Matatandaan na ang Local Government ng Muntinlupa ay naglaan P11-M financial aid para 21 Local Government Units (LGUs) sa Luzon na lubhang naapektuhan ng Typhoon Ulysses, Quinta at Rolly.

Unang nakatanggap nito ay ang Marikina City na umabot ng P1-M.

Facebook Comments