𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗢𝗕𝗔𝗖𝗖𝗢 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Ipinamahagi sa mga tobacco farmers sa bayan ng san Nicolas ang tulong pinansyal laan na panggamit sa gastusin sa kanilang pananim.
Nasa tatlumput anim (36) na magsasaka na nagtanim ng tabako noong 2019 to 2020 ang makakatanggap ng fertilizer mula sa LGU San Nicolas na nagkakahalaga naman ng dalawampung libong piso (P20,000) kada ektaryang kanilang nataniman.
Nagpahayag naman ng suporta ang alkalde ng bayan sa mga tobacco farmers sa bayan at sa mga may nais pa. Bukas naman ang tanggapan partikular ang Municipal Agriculture Office sa karagdagang impormasyon kaugnay dito.

Samantala, kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga lugar sa bansa na nakakapagtanim at may taniman ng Barley at Native o Dark Tobacco. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments