Tulong pinansyal sa mga biktima ng bus tragedy, makukuha na sa Sabado

Manila, Philippines – Ipagkakaloob na sa Sabado, April 22 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Philam AssetManagement, Inc o PAMI ang financial assistance ng mga biktima ng nahulog nabus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, matatagpuan sa Bayombong sa Nueva Vizcaya ang kanilang help desk.

Kailangan lang aniyang magdala ang mga kaanak ng mga biktima ng ID,birth certificate para sa mga single na namatay at marriage certificate sa mgakasal na.


Bukod rito, mayroon rin aniya silang helpdesk sa San Fernando, LaUnion.

Una nang kinumpirma sa interview ng RMN kay region 2 Office of Civil Defense Francis Reyes na umabot na sa tatlumput lima (35) ang nasawi mataposbawian ng buhay ang isa sa mga kritikal sa pagkakahulog ng Leomarick bus sa 100 na talampakang bangin.

Nasa 44 naman ang patuloy ngayong ginagamot sa ibat ibang ospital habang patuloy ang pagbe-beripika ng OCD region 2 ang pagkakakilalan ng iba pang nasawi.

Facebook Comments