Tiniyak ni Committee on Finance Vice Chairman Senator Pia Cayetano na may pondo ang gobyerno para sa ipapamigay na lima hanggang walong libong piso na tulong pinansyal para sa 18-milyong mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Base sa ipinasang “Bayanihan to Heal as One Act”, aabot sa halos 200-billion pesos ang kailangan sa loob ng dalawang buwan para nabanggit na cash assistance.
Ayon kay Cayetano, ang 175 billion pesos ang available cash na nasa ibat ibang account ng mga government owned and controlled corporations.
Binanggit din ni Cayetano ang 100 million pesos sa ibat ibang ahensya na nasa labas ng tinatawag na treasury single account.
Sinabi ni Cayetano, na magpapautang din sa bansa ang asian development bank at ang world bank.
Dagdag pa ni Cayetano, bukas din ang international financial institutions na magpautang at tumulong sa bansa.