Manila, Philippines – Patuloy ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Urduja.
Sa huling tala ng DSWD, namahagi na ng higit 1,000 family food packs, higit 2,000 malong at higit 2,000 hygiene kits.
Mayroon namang halos 900 family food packs na ibinahagi sa Gipolos, Eastern Samar, higit 1,700 naman sa Barugo, Leyte, higit 2,500 sa Tandag City, Surigao Del Sur, Surigao Del Norte at Dinagat Islands.
Mayroon namang 15,107 family food packs sa Butuan City Agusan Del Norte.
Nagpaabot din ng 20 sako ng damit para sa mga apektadong residente ng Tacloban City.
Nananatiling nasa ‘red’ alert status ang ahensya para sa agarang suporta sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Facebook Comments