Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 1,538 na scholar ng City of Ilagan ang makakatanggap ng scholarship assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Sinimulan na kahapon sa ISU Ilagan Campus ang pamamahagi ng halagang limang libong piso sa bawat college students bilang scholarship assistance para sa buong semester.
Ayon kay Ginoong Paul Bacungan, PIO ng City of Ilagan, ang programang ito ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral ng Lungsod na makapagtapos sa kanilang pag aaral.
Ang mga estudyante ay pawang mga taga lungsod ng Ilagan na kabilang sa mga pamilyang nais magpaaral ngunit kulang sa kakayahang pag aralin ang kanilang mga anak.
Bukod dito, maaari ding maka avail ang sinumang estudyante na may limang taon na naninirahan sa lungsod basta wala itong bagsak sa grado.
Hinihikayat ni Ginoong Bacungan ang mga hindi pa nakakakuha ng assistance na maaari pa rin kunin sa City hall sa loob ng 30 araw.
Maaari aniyang kunin ng mga magulang ang mga ito basta magdala lamang ng kaukulang dokumento na makapagpapatunay na sila ay otorisadong tumanggap sa naturang halaga.