Ikinatuwa nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at nina Senators Sonny Angara at Risa Hontiveros ang pagpasa sa ikalawang pagbasa ng Marawi Seige Compensation Act.
Sabi ni Senator Angara, kailangan na talagang mabigyan ng social justice ang mga biktima ng Marawi seige.
Sa ilalim ng Marawi Siege Compensation Act ay lilikha ng Marawi Compensation Board na mangangasiwa sa pamamahagi ng tax-free payment ng reparation o kompensasyon sa mga napinsala ng Marawi siege.
Ayon kay Senator Zubiri, sa pamamagitan ng Marawi Seige Compensation Act at Bangsamoro Organic Law ay mabibigyan ang ating mga kapatid na Muslim sa Bangsamoro Autonomous Region ng kakayanan at mekanismo para maka-recover o makabangon.
Binanggit ni Zubiri, marami pa rin sa ating mga kababayan sa Marawi at Lanao del Sur ang wala pang ring bahay dahil winasak ng Marawi seige at marami sa kanila ang hindi kayang magpagawa o magpatayo ng bago.
Masaya naman si Senator Hontiveros na tinanggap ang mga ipinasok niyang amyenda na magkaroon ng kompensasyon ang mga tagapagmana ng mga namatay noong Marawi siege.
Binanggit ni Hontiveros na sinigurado rin nila na magkakaroon ng civil society organizations na masasama sa board para representado ang mga residente mismo.