Tulong sa mga ospital na nasa critical risk classification sa ngayon, tiniyak ng treatment czar

Tiniyak ni Treatment Czar DOH Undersecretary Leopoldo Vega, na may tulong na nakahanda para sa mga pagamutang nasa rehiyong na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Sa Palace Press briefing, inihayag ni Vega na hiningi na nila ang programa ng mga ospital na nasa rehiyong under critical risk classification at mula roon ay kikilos ang DOH para magpadala ng augmentation na mga healthcare worker.

Kasama na ang karagdagang equipment tulad ng mechanical ventilators, high flow nasal cannula at mga medisina.


Ilan lamang ang Region I, 3 at Region 4-A sa mga rehiyong nakahanay sa critical risk classification.

Facebook Comments