TULONG SA NASAWING OFW SA HONGKONG, TINIYAK NI PBBM

Cauayan City – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Maryan Pascual Esteban, residente ng Jones, Isabela, na nasawi sa sunog sa Tai Po, Hong Kong noong November 26, 2025.

Ayon sa ulat, 83 Pilipino ang nasaktan sa naturang insidente kung saan isa sa mga biktima ang naiulat na nasa malubhang kondisyon, subalit nasa maayos na kalagayan na ngayon matapos makatanggap ng agarang medikal na atensyon.

Si Esteban naman ang nag-iisang Pilipinong binawian ng buhay sa nasabing sunog.

Bilang tugon, tiniyak ng Pangulo na mabibigyan ng kinakailangang tulong at suporta ang pamilya ng nasawing OFW, kabilang ang kaukulang benepisyo at asistensiya mula sa pamahalaan.

Layunin ng utos na matulungan ang pamilya ni Esteban sa pagharap sa trahedyang kanilang dinanas.

Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya, ang kalagayan ng iba pang Pilipinong naapektuhan ng insidente.

Facebook Comments