Nangako ng tulong sa Pilipinas ang United States hinggil sa usapin ng food security at pagkamit ng digital economy.
Kasabay ito ng pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.
Ayon sa US Embassy, magtatatag ang US Department of Agriculture ng food security dialogue kung saan magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sa pagbuo ng resilient food systems at pinakamahuhusay na best practices para sa agricultural innvotaion at sustainability.
Makikipag-partner din ang US sa Philippine telecom operator na Now Telecom para sa deployment ng 5G Technologies sa Pilipinas na layong mapabilis ang digital services sa bansa.
Maglulunsad naman ang USAID ng bagong five-year project na tinawag na “Strengthening Private Enterprises for Digital Economy (SPEED) Award” upang mapalawak ang partisipasyon ng Philippine MSMEs sa umuusbong na e-commerce ecosystem.
Samantala, mag-i-invest din ang US government ng 5 million dollars upang pabilisin ang vaccine rollout sa Pilipinas na isa rin sa mga inisyatibo ni Harris pagdating sa health security.
Tatalakayin din ng dalawang bansa ang mga usaping may kinalaman sa civil nuclear cooperation, 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement at UN Joint Programme for Human Rights (UNJP).