Higit P2 tapyas sa kada litro ng diesel at kerosene; rollback sa gasoline, lumiit

Lumiit ang rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa gasolina epektibo bukas, November 22.

Sa abiso ng mga oil company, nasa P0.40 lang ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina na mas maliit kumpara sa inaasahang P0.75 hanggang piso.

Lumiit ang rollback sa gasolina dahil sa premium at freight costs.


Samantala, P2.15 naman ang magiging bawas-presyo sa diesel habang P2.10 sa kerosene.

Epektibo ang rollback ng Pilipinas Shell, Seaoil at Petro Gazz bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Mas maaga namang magpapatupad ng price adjustment ang Cleanfuel at Caltex mamayang ala-12:01 ng hatinggabi.



Facebook Comments