Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang mga gamot para sa mga sinalanta ng bagyong Urduja lalo na sa Biliran.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kabuang 54 na pasyente ang kanilang ginagamot sa mga health unit sa probinsya.
Batay sa record ng DOH, umabot na sa P4.5 milyong halaga ng mga gamot ang naipamigay para sa mga biktima ng bagyo.
Dadating naman ngayong araw sa Eastern Visayas ang team ng Cebu para magbigay ng karagdagang tulong sa regional-DOH para sa mga biktima ng bagyo.
Facebook Comments