TULONG | Tacloban City, nakatanggap ng 6 na bus bilang donasyon

Tacloban City – Tinanggap na ng lokal na pamahalaan ng Tacloban ang anim na bus na ibinigay ng isang kumpanya para sa patuloy na pagbangon ng lungsod mula sa pananalasa ng bagyong Yolanda.

Pinangunahan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael DiƱo ang turnover ng mga bus mula sa Vallacar Transit Inc.

Nabatid na ilang buwan nang ginagamit ng Tacloban ang mga bus para ilipat ang yolanda survivors sa relocation sites mula sa Coastal areas.


Ikinatuwa namang ng mga residente ang naturang donasyon kung saan wala namang kaakibat na kondisyong hinggil dito.

Facebook Comments