DAMAY | Menor de edad, tinamaan ng ligaw na bala

Davao City – Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang menor de edad matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pangyan, Calinan, Davao City.

Sa ulat, nakatambay lamang ang biktimang si Al Guatno Lagaac, 14-anyos kasama ang kanyang mga pinsan sa harap ng isang bahay ng kanilang kamag-anak.

Ilang saglit lamang ay may dalawang pick-up truck at isang van ang huminto sa kanilang harapan at agad bumaba ang sakay nito na nakasuot ng itim na bonnet at may bitbit na mga armas.


Bigla na lamang nitong pinaulanan ng bala ang bahay ng isang Alberto Apusa kung saan tinamaan sa kaliwang balikat ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad na isinugod sa ospital ang binatilyo.

Hindi naman matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments