TULONG TINIYAK | Bahagi ng Export Processing Zone Authority sa Cavite, nasunog

Cavite – Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng Export Processing Zone Authority (EPZA) sa Rosario, Cavite.

Nagsimula ang sunog alas- 9:49 Biyernes ng gabi na itinaas sa task force alpha bago tuluyang naapula dakong 4:34 sabado ng umaga.

Ayon kay Cavite Provincial Fire Marshal Supt. Aristotle Bañaga, nagsimula ang sunog sa wood cutting area ng House Technology Industries (HTI).


Nadamay naman ang katabing gusali nito na scad services kung saan binubuo ang mga pinutol na palochina para gawing pinto at bintana bago i-export sa Japan.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung magkano ang halaga ng pinsalang naidulot ng sunog.

Tiniyak naman ni Cavite Gov. Boying Remulla na tutulungan ang mga nasa 1,000 empleyado na pansamantalang mawawalan ng trabaho.

Nabatid na ito na ang ikalawang insidente sunog na naganap sa naturang lugar mula noong 2017.

Facebook Comments