ELECTRONIC CIGARETTE | 10 sugatan sa-stampede sa isang mall sa Angeles City, Pampanga

Pampanga – Sugatan ang 10 tao matapos magka-stampede sa isang mall sa Angeles City, Pampanga, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Edwin Laxamana, hepe ng Angeles City police station 1, sumabog ang baterya ng isang inaayos na electronic cigarette dahilan para akalain ng mga tao na may barilan sa first floor ng mal.

Dahil sa pagsabog, binasag ng mga tao ang salamin ng isang fast food restaurant para makalabas.


Tiniyak naman ng pamunuan ng mall na sasagutin ang pagpapagamot ng mga nasugatan.

Magsasagawa naman ng hiwalay na imbestigasyon ang mall sa nangyari.

Facebook Comments