Manila, Philippines – Wala pang balak ang Armed Forces of the Philippines na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang maagang pag-lift sa Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ay sa harap nang malaking nabawas sa mga insidente ng Murder, homicide at iba pang kaso ng pagpatay maliban sa Rido o away ng mga angkan sa Mindanao.
Sa Press Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Col. Romeo Brawner sinabi nito na matagumpay ang pagpapatupad ng Gun Control sa Mindanao dahil matindi ang monitoring ng mga tao na papasok at palabas ng buong rehiyon.
Kaya naman sinabi ni Brawner na wala sa kanilang opsyon na irekomenda sa pangulo ang tanggalin ang Martial Law at sa halip at ituloy pa ito hanggang matapos ang taon.
Facebook Comments