Tuloy ang Asenso sa Shariff Aguak kasabay ng pagbubukas ng Kapitolyo- Mayor Ampatuan

Masaya ang LGU Shariff Aguak kasabay ng muling pagbubukas ng Provincial Seat of Government sa kanilang bayan.

Lalo pa aniyang lolobo ang ekonomiya ng bayan dahil na rin sa inaasahang magiging sentro ito ng komersyo kasabay ng pagdami ng mga inaasahang maglalabas pasok na mga residenteng nagmumula sa ibat ibang bayan ng lalawigan ayon pa kay Municipal Information Officer Anwar Emblawa sa naging panayam ng DXMY.

Matatandaang nauna naring inihayag ni Mayor Marop Ampatuan na “its a welcome development para sa mga taga Shariff Aguak”. Tuloy ang Asenso sa Shariff Aguak base na rin sa campaign banner ng LGU dagdag ni Mayor Ampatuan


Nakahanda ring makipagtulungan ang LGU sa Provincial Government lalo na kung para sa kapakanganan ng nakakarami.

Halos isang dekada ring naabandona ang multi million pesos na halaga na Provincial Capitol sa Shariff Aguak matapos mangyari ang November 2009 incident at pumasok ang Administrasyon ni Governor Toto Mangudadatu.

Bago ang naging announcement naman ng Bagong Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na muling bubuksan sa publiko ang kapitolyo, halos isang dekada rin itong naging kampo ng mga militar.

Noong July 2 , sinimulan ng gamitin ang Kapitolyo kasabay ng Inaugural Session at State of the Province Address.

Facebook Comments