Manila, Philippines – Walumpu’t limang porsiyento (85%) nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo.
Ito ang inanunsyo ng COMELEC sa isinagawa nilang joint press conference kanina ng DILG Office of Barangay Affairs.
Ayon kay DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño – nangangahulugang tuloy ang halalan sa Mayo 14, 2018 hangga’t walang abiso ang Malacañang o Kongreso na suspendihin ito.
Aminado naman si COMELEC spokesman James Jimenez na may concern pa sila sa Mindanao kaya hindi nila mai-todo ang preparasyon.
Matatandaang hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Martial Law ang Mindanao kahit tapos na ang bakbakan sa Marawi.
Facebook Comments