Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na sinibak niya ang ilang tauhan ng DOJ na sangkot sa anomalya sa pagproseso ng mga visa sa Bureau of Immigration.
Ayon kay Aguirre,magpapalabas din siya ng immigration lookout bulletin order sa lalong madaling panahon laban sa naturang DOJ employees.
Ipinag-utos na rin ni Aguirre sa NBI ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa naturang mga tauhan ng DOJ.
Nagbanta rin ang DOJ Secretary na magpapatuloy ang kanyang paglilinis sa mga tiwaling empleyado sa kanyang bakuran.
Facebook Comments