Manila, Philippines – Inilatag ni Solicitor General Jose Calida ang mga depensa ng pamahalaan sa pagkalas nito sa Rome Statute ng International Criminal Court
Sa oral arguments kanina sa Korte Suprema, iginiit ni Calida ang pagbasura sa nasabing petisyon na inihain ng opposition senators at ng Philippine Coalition for the ICC.
Ayon kay Calida, hindi kailangan ng concurrence o pagsang ayon ng Senado sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
Aniya, malinaw sa Sec.21 ng Article VII ng Philippine Constitution na ang Senate concurrence ay kailangan lamang sa validity at effectivity ng isang tratado o int’l agreement.
Iginiit din ni Calida na nilabag ng petitioners ang doktrina ng hierarchy ng courts at Hindi aniya subject judicial review ang desisyon ng Pangulo.
Idinagdag pa ni Calida na ang withdrawal sa Rome Statute sa pamamagitan nf note verbale sa Secretary General ng UN ay balido at effective.