TULOY | Imbestigasyon ng ICC sa drug war campaign ng administrasyon, magpapatuloy

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), patuloy sa drug war ng administrasyon kahit na kumalas sa ICC ang Pilipinas.

Sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na tinitignan nila kung nakagawa nga ba ng “crime against humanity” ang administrasyong Duterte.

Nakasaad pa sa kanilang preliminary examination na inaaral pa nila ang mga impormasyon na hawak nila para mapatunayan kung may basehan nga ba ang mga reklamo.


Una nang kumalas ang Pilipinas sa ICC dahil sa panghihimasok nito sa drug war ng administrasyon.

Inakusahan din ng Pangulong Duterte ang ICC ng pagiging “bias” dahil hindi ito nakasunod sa panuntunan kung bakit lumagda ang Pilipinas sa Rome Statute.

February 8, 2018 nang magsimula ang imbestigasyon ng ICC sa drug war.

Facebook Comments