TULOY | Kaso laban kay dating DOJ Asec. Macarambon na iniuugnay sa gold smuglging sa NAIA, tuloy ayon sa PACC

Manila, Philippines – Inihayag ng Presidential Anti Corruption Commission na sa kabila ng pagbibitiw sa pwesto bilang DOJ Assistant Sec. ni Moslemen Macarambon Sr. matapos makaladkad ang pangalan nito sa umano ay smuggling ng mga ginto at mga alahas sa NAIA.

Ayon kay Presidential Anti Corruption Commission Commissioner Greco Belgica na tuloy ang kanilang imbestigasyon sa pagiging padrino nito sa mga smuggler ng mga lahas na ginto sa Airport.

Paliwanag ni Belgica, ipadadala nila sa Ombudsman ang resulta ng kanilang imbestigasyon at rekomendasyon na tuluyang makasuhan ng kriminal si Macarambon.


Batay sa imbestigasyon ng PACC, sinasabing noong December 2017, nasabat sa NAIA terminal-3 ang isang Mimbalawang Bangsa-An Abdullah dahil sa hindi nito pagdedeklara sa Customs ng dala nito mga ginto at alagas na nagkakahalaga ng mahigit P15-M.

Siningil noon ng Customs taxes and duties si Abdullah na umabot sa P6.9-Million at dito na umano nakialam ang noo’y Justice Asec na si Macarambon at kinausap si District Collector Ramon Anquilan.

Matapos nito ay naibaba anila ang tax ng nasabing mga alahas sa P1.36-M.

Sinasabing balae ni Macarambon si Mimbalawang Abdullah.

Nitong May 5, 2018, muling naharang sa NAIA si Abdullah at ang asawa nito, dahil sa smuggling ng P1.9Kilos ng alahas na nagkakahalaga ng P6-M.

Facebook Comments