TULOY | LBO ng DOJ laban sa mga high profile personalities, mananatili kahit naglabas ng bagong guidelines ang Korte Suprema

Manila, Philippines – Mananatili ang immigration Lookout Bulletin Orders (LBO) na inisyu ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga high profile personalities na nahaharap sa criminal charges kabilang si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay sa kabila ng bagong guidelines na itinakda ng Korte Suprema para pigilan ang flight ng criminal suspects sa pamamagitan ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang LBO ay hindi sakop ng ruling ng Supreme Court (SC) na nagpawalang bisa sa DOJ Circular No. 41 na inisyu ni dating justice secretary at kasalukuyang nakaditine na si Senadora Leila De Lima dahil sa paglabag sa constitutional right to travel.


Aniya, ang LBO ay hindi pinipigilan ang foreign travel ng isang persons of interest pero nagsisilbi itong hakbang para ma-monitor ang galaw nito abroad.

Facebook Comments