HUSTISYA|Hustisya sa pagpatay sa Dating RMN Gensan Anchorman na si Dennis Cuesta-malabo parin

General Santos City—Kasabay ng ikasampong taon matapos pinagbabaril patay ang dating Program Director ng RMN Gensan na si Dennis Cuesta, nanawagan parin ng hustisya ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Gloria Cuesta asawa ni Dennis Cuesta na umaasa pa rin itong maaresto na ang suspek sa pagpatay sa kanyang asawa. Matatandaan na August 4, 2008, galing ng Glan Sarangani Province ang buong Team ng RMN Gensan para sa isang Promo, pagdating sa likod na bahagi ng isang Mall sa national Highway Bumaba si Cuesta sa saksakyan at doon na ito pinagbabaril ng riding in tandem.

Dinala pa ito sa pagamutan pero ng Agusto 9, 2008, binawian ito ng buhay.


May nakasuhan na na isang dating pulis na itinuturong sangkot sa pagpatay sa biktima pero hanggang ngayon hindi pa ito naaresto.

Sinabi pa ni Cuesta na malaki ang tiwala nito sa Duterte Administration na matutukan ang kaso ng kanyang asawa at kahit huli na mabigyan pa rin ito ng hustisya.
(Photo From Web)

Facebook Comments