Tuloy na bukas ang dating sa bansa ng mahigit 400 na mga Pinoy na sakay ng Diamond Princess Cruise Ship na unang na-quarantine sa Japan

Sila ay sakay ng dalawang eroplano na dadating bukas.

Ang mga pasaherong makikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay i-isolate sa isang eroplano.

Agad na isasailalim sa quarantine ang naturang mga Pinoy at dalawampung medical teams ang magbabantay sa kanila sa quarantine facility pagdating sa bansa.


59 na mga Pilipinong sakay ng cruise ship ang nagpositibo sa virus.

Hindi kasama sa repatriation bukas ang dalawang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Japan kahit na sila ay gumaling na.

Tiniyak naman ng gobyerno ng Japan na patuloy nilang gagamutin ang mga Pinoy na nagpositibo sa virus at patuloy na naka-confine sa nasabing bansa.

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ipo-provide ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan habang naka-quarantine ang naturang mga Pinoy.

Nanindigan naman ang DOH na huwag isapubliko ang pagkakakilanlan ng repatriates upang maiwasan ang diskriminasyon.

Pag-uusapan pa ng inter-agency task force kung magpapatupad din ang Pilipinas ng travel ban sa South Korea sa harap ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Kinumpirma naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dalawang OFWS sa Hong Kong at Singapore ang nagpositibo sa virus.

Ang isa ay nag-alaga sa isang pasyenteng positibo sa COVID-19 habang ang isa ay residente ng Singapore.

Facebook Comments