Tuloy na ang Groundbreaking Ceremony sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa Press briefing sa Malacañang ay sinabi ni taskforce Marawi chairman Eduardo del Rosario na gagawin ang groundbreaking sa ikatlong Linggo ng setyembre.
Paliwanag ni del Rosario, nagkaroon ng delay sa aktibidad dahil hindi naging matagumpay ang ginawang negosasyon sa contractor na mangunguna sa rehabilitasyon.
Kabilang aniya sa naging delay ay ang non-compliance sa mga inilatag na requirements ng taskforce bangon Marawi.
Binigyang diin din naman nito na hindi apektado ang target date ng pagkumpleto sa rehabilitasyon ng Marawi City na itinakda sa December ng 2021 ng atrasadong pagsisimula ng rehabilitasyon.
Facebook Comments