TULOY PA RIN | Commercial flights sa Legazpi City, hindi pa apektado ng Mt. Mayon

Manila, Philippines – Sa kabila ng ipinatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na “no fly zone” sa paligid ng bulkang Mayon, nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na tuloy ang biyahe sa kanilang eroplano papuntang Legazpi.

Sa interview ng RMN kay PAL spokesperson Cielo Villaluna – nilinaw niya na delayed lang ng isang oras ang biyahe ng kanilang eroplano sa Legazpi City Airport.

Pagtitiyak ni Villaluna, mayroong ipinapatupad ng flight plan ang kanilang eroplano at naka-monitor din sila sa sitwasyon ng bulkan Mayon.


Nilinaw naman ng pamunuan ng Cebu Pacific na hindi dahil sa bulkan Mayon ang kanselasyon ng kanilang biyahe kundi dahil sa sama ng panahon.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Cebu Pacific Spokesperson Charo Logarta na malayo ang kanilang ruta sa Mt. Mayon.

Una nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang status ng bulkang Mayon dahil sa posibilidad na pagsabog nito anumang oras simula ngayon.

Facebook Comments