NAMBASTOS? | Robin Padilla, tinawag na "bastos" ng mga netizens

Manila, Philippines – Inulan ng batikos ang aktor na si Robin Padilla matapos na piliting magsalita ng tagalog ang isang Korean contestant sa isang Filipino reality talent show kung saan isa siya sa mga hurado.

Sa episode ng Pilipinas Got Talent noong Sabado, tinanong ni Robin kung marunong mag-tagalog si Kim Jiwan.

Pero nang sumagot sa ingles, doon na siya sinermunan ni Robin.


To the rescue naman ang kapwa hurado na si Angel Locsin at tinuruan ng ilang Filipino words si Kim.

At matapos mag-perform ng magic tricks, humingi rin ng paumanhin si Robin.

Pero hindi pa rin ito pinalampas ng mga netizens at sinabihan ang aktor na “bastos”, “racist” at “insensitive”.

Depensa naman ni Robin, bilang dayuhan, natural lang na pag-aralan niya ang wika ng bansang pupuntahan niya.

Facebook Comments