Manila Philippines – Nakahanda ang mababang Kapulungan ng Kongreso na sagasaan ang Senado sa Constituent Assembly para sa pagbuo ng Federalism Charter.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, magpupulong sila sa susunod na Linggo para pag-usapan ang pagko-convene ng Kongreso at kung saan pagkakasunduan muna ang bubuuhing structure ng gobyerno.
Aniya, kahit wala ang mga Senador ay tuloy pa rin sila sa Con-As basta’t makakuha ng 3/4 na boto na hinihingi ng konstitusyon.
Welcome pa rin aniya ang mga senador na lumahok sa Con-As pero kung talagang ayaw ng mga ito ay hindi naman nila pipilitin.
Sa kabilang banda, nirerespeto naman ni Alvarez ang pananaw ng mga senador na hiwalay na botohan sa Cha-Cha.
Pero malinaw naman aniya sa Konstitusyon na joint voting at 3/4 na boto ng kabuuang kongreso ang hinihingi.
Kung magkaproblema, sinabi pa ni Alvarez na maaaring manghimasok dito ang Korte Suprema.