TULOY PA RIN | Pagtugis sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, tuloy pa rin ayon sa PNP

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito ay kahit inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, standing pa rin ang warrant of arrest para sa mag-asawang Tiamzon habang wala pang itinatakdang petsa para sa peace talks.


Una nang pinaburan noong Enero 2018 ni Manila Regional Trial Court (RTC) branch 32 judge Thelma Bunyi-Medina ang motion for recommitment ng Department of Justice (DOJ) na nagkakansela sa piyansa ng mag-asawang Tiamzon, maging sa isang pinuno ng rebeldeng grupo na si Adelberto Silva.
Nakalaya ang mag-asawang Tiamzon noong August 2016 para makiisa sa usaping pangkapayapaan bilang consultant ng NDFP.

Facebook Comments