Manila, Philippines – Tuloy ang Sandiganbayan 3rd Division sa paglilitis kay dating Vice President Jejomar Binay kaugnay sa maanomalyang pagtatayo ng Makati Parking Building.
Binibigyang diin ng korte na nailatag ng malinaw ng prosecution ang mga alegasyon ng katiwalian at may sapat na impormasyon na naihain sa kasong graft, malversation of public funds at falsification of public documents kay Binay noong Alkalde pa ito ng Makati.
Ibinasura din ng korte ang hiling ni Binay na suspendihin muna ang paglilitis sa mga kasong ito sakaling hindi pagbigyan ang kanyang motion to quash dahil may nakabitin siyang petisyon sa Korte Suprema laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales at sa Sandiganbayan.
Katwiran naman ng korte, hindi naman dapat maging hadlang ang petisyong ito sa pag-usad ng kaso.
Kasabay ding lilitisin ng korte ang kapwa akusado na si Efren Canlas ng Hillmark Construction Corp. na kahit isang pribadong ay maaari pa ring makasuhan ng katiwalian kung nakipagsabwatan sa mga opisyal ng gobyerno gaya ng mga Binay.