Aklan – Tuloy ang demolisyon sa sikat na hotel na West Cove sa Boracay island.
Ito ang inihayag ng Malacañan matapos sabihin ng may-ari ng hotel na si Crisostomo Aquino na nakatanggap sila ng kopya ng liham mula sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs na ipinatitigil ang demolisyon sa West Cove.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kausap niya mismo si Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año at mga taga inter-agency committee at may hawak siyang written confirmation na tuloy-tuloy ang demolisyon sa West Cove.
Aniya, maaaring fake news ang pahayag ng may-ari ng hotel na ipinatitigil na ng Palasyo ang demolisyon.
Ipinagigiba ang West Cove dahil nakatayo ito sa no build zone at paggamit sa forest land sa turismo.