Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) para ihinto ang kaliwat kanang drug operations sa bansa sa kabila ng walang tigil na batikos dito.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, mas inspired pa nga ang hanay ng PNP ngayon sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations dahil batay aniya sa pinakabagong survey kaugnay sa opiniyon ng publiko sa anti-illegal drugs.
Lumalabas aniya na 69 percent ng mga Pilipino ay nare-recognize o sinasabing most important achievement ng dalawang taong Duterte Administration ang anti-illegal drugs campaign.
Ibigsabihin aniya nito 88% or 8-out –of-10 Pilipino ay pabor sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte nabanggit nito na ang operasyon kontra droga ay mas magiging maigting o “relentless and chilling”.