#TuloyAngKasal: Bayanihan ng mga Cebuano wedding suppliers, viral!

Faith in humanity restored.

‘Yan ang ipinakita ng mga Cebuanong wedding coordinators at suppliers para matuloy ang minimithing kasal ng isang babaeng namatayan ng anak.

Sa pamamagitan ng Facebook, humingi ng tulong si Ann Louise San Pedro sa mga kasamahan sa industriya upang mapunan ang mga pangangailangan sa kasal.


Screenshot via Ann Louise San Pedro | Cebu Wedding Suppliers Group

Ayon kay San Pedro, nalaman niya ang talambuhay ng babae sa isang Facebook group din. Nanawagan ang bride-to-be ng tulong para mairaos ang unang kaarawan ng kanyang kambal na ipinanganak niyang pre-mature.

Sa mismong araw ng selebrasyon, nasa ospital ang isa sa kanila at binawian ng buhay noong Hunyo 2. Nakatakdang ikasal ang ginang sa Hulyo 16 ngunit hindi na matutuloy dahil umabot sa mahigit P1 million ang utang sa pagamutan.

Panibagong trahedya ang muling dumating sa pamilya ng babae matapos masunog ang kanilang bahay sa Tipolo.

Para mapasaya ang babaeng nais tulungan ni San Pedro, nag-volunteer ng libreng serbisyo ang ilang wedding suppliers.

Umabot na sa mahigit 2,000 shares and likes ang online bayanihan at inspiring post.

Facebook Comments