Tulunan, N. Cotabato – muling niyanig ng mas malakas na lindol

Dalawang linggo matapos ang pagtama ng magnitude 6.3 na lindol, muli na namang niyanig ngayong umaga ng mas malakas pang lindol ang Tulunan, North Cotabato.

Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Undersecretary Renato Solidum – isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama ngayong alas 9:04 ng umaga sa bayan ng Tulunan.

Ayon kay Solidum, tectonic ang pinagmulan nito at naitala ang epicenter ng pagyanig sa 26 km north ng Tulunan, North Cotabato.


Una nang inihayag ng Phivolcs na magnitude 6.4 ang lakas ng lindol pero itinaas ito sa 6.6 magnitude.

Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang:

Intensity 7 – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani

Intensity 6 – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City

Intensity 5 – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani

Intensity 4 – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon

Intensity 3 – Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City;

Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon

Intensity 1 – Camiguin, Mambajao

Agad din pinawi ni Solidum ang pangamba ng publiko sa tsunami.

October 17 nang unang yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang Tulunan, North Cotabato kung saan nag-iwan ito ng pitong namatay at mahigit 50 sugatan.

Facebook Comments