Muli na namamg niyanig ng may kalakasang lindol ang bayan ng North Coatabato kaninang alas 6:31 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, natunton ang epicenter ng magnitude 4.2 earthquake sa layong 75 kilometro sa Silangang bahagi ng Tulunan.
May lalim na 10 kilometro ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity 4 sa Kidapawan City, intensity 2 sa Tupi, South Cotabato, at intensity 1 sa Alabel, Sarangani province.
Pag-lilinaw pa ng Phivolcs, ang panibagong pagyanig ay aftershocks pa rin sa mga naunang malakas na pag-yanig noong nakalipas na buwan.
Sabi pa ng Phivolcs, wala namang dalang pinsala ang pag-yanig kanina.
Facebook Comments