TULUNGAN PO NATIN ang mga PAMILYA ng NASUNUGAN- Please Donate Cash or InKinds – VOLUNTARY INITIATIVE ng DWNX, MNCCI at CHO ROCO

Isang voluntary initiative, FUND AND INKIND DRIVE naman ngayon ang magkatuwang na ginagawa para matulungan ang mga biktima ng sunog sa Zone 5, Barangay Igualdad, Naga City.
Pinangunahan ito ni dating Naga City Mayor at dating Congressman Cho Roco sa pamamagitan ng mensahe sa fb post ni RadyoMaN Grace Inocentes tungkol sa naganap na sunog ng madaling araw ng New Year.
Siyam na pamilya ang apektado kabilang na ang isang buntis.
Makikita sa attached screenshot ni RadyoMaN Grace Inocentes ng RMN DWNX ang mensahe ni Sir Cho Roco.
Para sa mga nais mag-donate para sa nasunugan sa Brgy. Igualdad, Naga City, maari po ninyong dalhin ang inyong tulong sa Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) na matatagpuan sa JMR Coliseum kaharap lamang ng SM City Naga.
Sa pamamagitan ng DWNX Doble Pasada, may starting fund ng 10 thousand pesos – 5K mula kay Roco na siyang nagpasimuno ng inisyatibang ito, 2K mula sa isang taga Banko, 1K pa mula sa isa pang taga Banko, at 2K rin mula kay Mr. Bong Mendoza. Inkinds naman (food packs worth 5K) ang ibinahagi ni Kasamang Vic Avila ng Philippine Eagle Foundation at mga brand new Shirts naman mula kay Sir Medic Salvino ng grupong Kabalikat Civicom Bikol. Sila ay masusugid na mga DWNX listeners at kilalang supporters ng mga humanitarian initiatives noon pa man. Marami na rin ang tumawag sa DWNX at nagpledge ng karagdagang inkinds. Maraming salamat po sa inyo.
Para sa mga nais makibahagi maari po ninyong kontakin ang MNCCI Land Line po @ JMR Coliseum 871-55-52. Maari po natin hanapin si Kasamang Bong Villacruz ng MNCCI.


Facebook Comments