Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na tuluyan nang alisin ang ‘red tape’ sa pagresponde sa oras ng sakuna.
Kasunod ito ng inilabas na Executive Order (EO) 137 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pag-iisahin ang pamamahagi ng pagkain, non-relief items, kabuhayan, edukasyon, pagpapalibing, transportasyon, trabaho, medikal at pangkalusugan at pinansyal na tulong sa oras ng sakuna.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, sa nasabing polisiya matutulungan ang implementasyon ng “Aid and Humanitarian Operations Nationwide” (AHON) ni Pangulong Duterte.
Habang hangad din nito na unti-unting maalis ang red tape sa pagtugon ng gobyerno sa sakuna.
Hinikayat naman ni De Guia ang mga ahensyang nakapaloob sa AHON sa mabilis at epektibong tulong sa mga apektadong mamamayan.
Ang AHON ay isa ring Convergence Program na tutulong sa mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.